Only Freaks Tonight...
A short poem

Tempting fruit of desire,

I reject, not! I couldn’t help it!

The weakness of my heart,

captured by an unwanted lust,

tears may run down,

a shoulder may be here for my pain to ease out,

close your eyes,

see nothing but the dark,

trust me, i’ll be your only light…

Pampalipas Oras lamang poh…

Madaming bagay sa mundo na sobrang gustong gusto ng mga tao. Nandyan ang mga mamahaling cellphone, mga laptop, kotse, tv, ipod, wala na akong matype basta ang alam ko madami pa, lahat nga diba mayabang pag may bagong gamit, pero hinding hindi maaalis ang ang nag mumutawing mga mura sa ating mga labi sa tuwing tayo ay makakakita ng…..IPIS! oo tama ipis nga, sa tuwing may makikita tayong ipis na pasamandaliang dadaan sa ating harapan ay namumutawi saatin ang mga salitang P*ta*gin*a yan!, ay SH*T!, F*cKi*ng A*s!, na ikinaiiyak ng ating mga guardian angels. Ang mga ipis na nag mimistulang nabuong kape na tinubuan ng mga galamay ay nakakatakot nga naman, hindi ko maatim na titigan eto habang dahan dahan siyang lumalapit saakin, sa bawat hakbang na ginagawa nito ay para akong batang tumatakbo mula sa isang bagay na mistulang multo sa akin paningin. Ngunit akoy nakaisip ng isang paraan upang masugpo ang kanilang masamang lahi, dahil sa wala ng oras upang tumakbo at maghanap ng bagay tulad ng dyaro, baygon, at kung ano pa mang mabisang panlaban sa ipis ay mas mabuti na lamang na kuhain ang kahit anong matigas na bagay na malapit sa iyong paligid, ngayon alam kong unti unti ka nang nagpapanic sapagkat nararamdaman mo na, na ang ipis na iyong tinitingnan ay malapit nan dumampi sa iyong maselang kutis, kuhain at hawakan maigi ang matigas na bagay puntiryahin ang ipis at batuhin ng buong giting, paalala hindi sa lahat ng pag kakataon ay masasawi ang ipis, kapag minalas, DALIAN!!! magtago sa kumot at sumigaw… INAY!!!!!

-idol ko si bob ong (ndi nabibili sa mga suking tindahan)